Dalawampu’t Limang Taong Pasasalamat

On my 25th year of existence, I’ve decided to put all my energy in giving thanks… to put all my passion and talent into good use… to make all my days worth living. All the bad things of the past lead me finding my purpose in life. My motto in life had always been “Always be kind.” There’s no if’s, why’s nor but’s. Life will always be imperfect and we just have to take everything and be kind… to believe that something good will always be at the end of our journey. 



For my 25th birthday, I sought the help of Birthday Foundation to celebrate. They introduced me to Bahay Aruga, a free halfway house that accomodates pediatric cancer patients. 

with Ms. Diane of Birthday Foundation

with Ms. Marietta of Bahay Aruga

Having a mother who’s a Cancer survivor and 2 aunts who suffered the same illness, my heart have always had a soft spot for Cancer patients. Nobody deserves to go through such pain and suffering, especially children. My encounter with the Cancer patients when I had my Pedia rotation was heartbreaking for me. These kids need all the help, support and prayer they can get.


As part of my birthday program, I wrote a thanksgiving letter (that I had to read past the waterworks, I was a mess) in my best tagalog. Here it goes…

  SALAMAT 

Dadating ang araw at lilipas ang panahon na di ko na ito masasabi kaya ngayon pa lang ay gusto ko na itong bitawan… salamat. Isang salita na nagbibigay kahulugan sa kung bakit ako andito sa inyong harapan. 

Salamat sa aking mga magulang, na kung hindi dahil sa kanila ay wala ako ngayon. Salamat sa lahat ng pagpapakahirap ninyo upang mabigyan ako ng buhay na maginhawa. Salamat sa pagsasakripisyo na unahin ang aking mga pangangailangan, salamat sa pagmamahal na walang kapalit at hangganan. 


Salamat sa aking nanay na kahit hinayaan ng mundo na magkaroon ng sakit na Kanser ay patuloy na lumalaban upang ibigay sa amin ang buhay na higit pa sa kanyang nakagisnan. Salamat sa aking tatay na kahit may mga problema sa buhay ay ako pa rin ang inuuna. Na kahit hindi ko man lamang nakakamusta ng madalas ay di pa rin ako nakakalimutan. Na kahit walang wala na siya ay pilit pa ring binibigay ang aking mga kailangan.

Sa edad kong ito, kung ikukumpara sa ibang tao, ako na dapat ang umaalalay sa inyo. Ako na dapat ang nagtatrabaho at nagbibigay sa inyo ng buhay na maginhawa ngunit andito pa rin ako, nakasandal at umaasa sa pag-aalaga ninyo. Dadating ang panahon na kayo ay manghihina na at di na makakapagtrabaho, kaya pagbubutihin ko na matapos ito upang maibigay sa inyo ang buhay na nararapat para sa inyo. Dadating ang panahon na di ko na ito masasabi, kaya bago mahuli ang lahat, Mama at Papa, mahal na mahal ko kayo at maraming salamat po. 



Salamat sa aking pamilya na walang tigil na sumusuporta at naniniwala na sa kakayanan ko. Hindi ako kasing galing o talino ng tingin ninyo sa akin pero para sa inyo ay pipilitin ko na maging matagumpay sa bawat desisyon na pipiliin ko. Hindi man ako ang “dalagang Pilipina” na matutulad sa iba, may mga marka sa balat na tingin ninyong magiging dahilan upang ako ay husgahan ng mga tao sa lipunan, papatunayan ko na iba ako… na hindi man ako ang tipikal na dalagang inaasahan ninyo, patuloy akong magsusumikap para maging dalagang ipagmamalaki ninyo. 


Salamat sa batang pinakamamahal ko… sa batang kahit hindi mula sa akin ay mahal ko ng higit sa buhay ko. Dahil sa kanya ay gusto kong maging mabuting ehemplo, maging isang mabuting tao… Sana ay lumaki siyang matatag sa kabila ng mga paghihirap na ibabato ng mundo. Sana ay maging maliwanag ang kanyang kinabukasan hindi gaya ng mundo ko na magulo. Sana ay mabigyan siya ng mga talento na bubuo sa kanyang pagkatao.


Salamat sa mga kaibigan ko na kailanman ay di pinaramdam sakin na ako ay mag-isa… na kahit di ko nakakasama sa araw-araw ay di ako iniwan… na kahit di rin nila naiintindihan ang pinagdadaanan ko ay di ako pinabayaan… Di man tayo pareho ng pinanggalingan, para sa akin ay parte kayo ng aking pamilya at ako ay lagi niyong maaasahan.



Higit sa lahat, salamat sa Diyos dahil binigay niya sakin ang araw na ito para ibahagi sa inyo. Salamat dahil ipinahiram nya sa akin ang buhay na ito at ang mga taong nasa paligid ko. Salamat sa Diyos dahil binigyan niya pa rin ako ng panibagong bukas… na sa ngayon ay humihinga ako.. na sa ngayon ay masasabi ko pa ring maganda ang mundo. 



Kailan lamang ay nagkaroon ako ng karamdaman… isang karamdaman na hindi naiintindihang ng karamihan. Ito ay karamdaman na binabalot ka ng matinding kalungkutan… binabalot ang puso mo ng kadiliman na kahit sarili ko ay di maintindihan. Hindi ko sigurado kung kailan nagsimula ngunit sigurado ako na bibigyan ko ito ng katapusan. 
Narito ako sa harap ninyo dahil gusto ko kayong tulungan sa inyong laban. Gusto kong maging inspirasyon na kahit may mga hirap kayong hinaharap sa buhay ay wag kayong susuko. Siguro ay iniisip niyo na di ko alam ang inyong pinagdadaanan… hindi ko alam ang sakit na inyong nararamdaman pero naiintindihan ko. 

Sa dami ng aking pinagaralan, naiintindihan ko na mataas ang posibilidad na magkaroon din ako ng kanser, ang sakit na dumadaloy sa dugo ng aming pamilya… walang makapagsasabi kung kailan pero patuloy akong lalaban. Lalaban ako para sa aking pamilya, sa aking mga kaibigan at para sa aking kinabukasan.


Naniniwala ako na tayo ay binibigyan ng mga pagsubok dahil alam ng Diyos na kaya nating lumaban… minsan ay maiisip natin ang tanong na “Bakit ako?” pero dapat lang tayong magtiwala… magtiwala sa tadahana… magtiwala sa plano ng Diyos at lagi nating tatandaan: Kahit ano pang problema ang ating harapin, patuloy tayong mangarap.. patuloy tayong magmahal… patuloy tayong magpasalamat. 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s